29 January 2013

When Rhambo Met Bebeng Part 3: Eyeball

I never had the guts chance to update about this. Bakit nga ba? Lazy ni Bruno Mars ang peg ko ngayon sa pagkukuwento eh. Kaya inabot na ng 2013 hindi pa din kasalukuyan ang eksena ng series na ito. Actually, dapat agad-agad na part 3 kasi kumukuda ang mamang sundalo. May mali daw sa part 2! Kulang na lang  nga sabihan ko siyang mag-blog na din eh. Ngengeelam kasi masyado. :p

Well, ano daw ba yung mali? So, may boylet akong nabanggit dun sa part 2 di ba? Na ang version ko eh magkatext muna kami ng kawal before si seaman. Ang version ni kawal: nauna talagang dumating si seaman bago siya at hindi pa daw kami sweet-sweetang puso before kay seaman. Ang masasabi ko lang, sinoplak nga niya ako na let's cross the bridge when we get there; so malamang ako lang yung nagpapa-sweet. At siya hindi pa. So tama pa din ang version ko. Haller vhakler. Bakit ba ako nageexplain sa sarili ko? *hingal*

Source
Heniweys, natapos ang 2006 ng matiwasay. Payatot ako. Payatot siya. At mukhang mahal na nga namin ang isa't-isa. Chaaaaar. So siyempre, hindi ako magtitiis na hindi ko man lang masilayan ang kulay kamagong na fez niya (aylabyuakingirog!) at magtiyaga sa text at tawag. Buti pa mga manok at bibe sa kampo nila, nakikita siya, ako hindi. How papetik naman. So sabi ko, "come home to Mandaue Foam!" Ayun at nagpa-book ng flight to Manila. Walang sabi-sabi.


Ngunit, lecheng duty calls nga, cancelled ang supposed to be January 26 na pagkikita namin. Hagulgol ang Bebeng, muthers. Swear. Akala mo Bea Alonzo sa iyak. Stress na stress ang nanay ko na makita akong ganun. Iniwan ako, lumabas ng bahay. Supportive talaga, ano? Mabait pa din naman ang tadhana sa amin, nakauwi pa din naman siya, sa araw ng kaarawan ng kanyang Mama.

Source
Jusme, mega kudkod ako sa tiles ng CR ng studio type apartment na nirerent namin ng aking not-so-little rock star baby brother. Pinakintab ko ang sahig, bago ang kurtina at nagluto ako ng ulam. Sinuot ko din ang aking antipara para sa ikaliligaya niya. Special request niya yun. Unang request niya sunduin ko daw siya sa airport! Aba naman, puntahan niya kaya ako ano. Girl pa din naman ako. Pak. Hinde, puyat naman din kasi ako, baka airport sa Kuala Lumpur ako makapunta sa sobrang antok. Eh maudlot pa ang love life.

Na-trapik ang mokong. Nagkandaligaw-ligaw. Nahihilo na ako sa gutom at antok. Biglang nagtext, "anong kulay ng gate nu?" NU? Normal University? Anubeh, wala pang jejemon, ganyan na magtext si Rhambo. Kaloka. Haha! Buti naka-iPhone na, buo na ang salita. :p I'm sure kung binabasa niya 'to, matatawa siya pero 'pag na-realize niya na sarili niya pinagtatawanan niya, magtetext na naman ng kuda niya yun. Sabi ko nga i-comment niya na lang dito eh. Kainis, kontra-bulate. 

Source
So ano na nga ba? Ayun nagkita kami. Ang lola niyo, nakashort shorts ng bonggelz. Halu, Kim Chui pa ako sa pagka-slim nun noh. I intended to wear that talaga. Mukhang effective, hindi nakasalita pagkababa ng taxi eh. Nung patuluyin ko sa munting balur, wala pa ding imik. Gusto ko na ngang imbitahan yung mga nagsa-sign language sa RPN 9 dati para i-interpret lahat ng nangyayari. Cricket moments talaga.

Nilabas ko na lang ang Bebengisms notebook version ko nun. Pinakita ko sa kanya how I chronicled our kaartehans. Tapos nagsulat, "so tayo na?" Wahahaha. Cartwheel. Aarte pa ba ako eh kinikilig na ako nun. Na-tense ang lolo niyo kaya nagpaalam kung pwede mag-yosi. Nagtititigan lang kami for about 15 minutes. Parang Jean Garcia at Gardo Versoza ang eksena. Hindi ito censored post, don't worry. Andun si rock star baby brother kaya matimtimang birhen ang peg ko. 

Naghanda na ako for lunch. Ginataang kalabasa at sitaw. Hay naku, hindi pala kumakain ng kalabasa ang tinyente. So binoodle fight niya ang sitaw. Ang utol kong hoodlum, tinira ang kalabasa, para siguro hindi sumama ang loob ko. Bumawi naman si Rhambo after lunch, we found time to hug and cuddle in REAL life. As in in flesh na. Hindi na virtual hugs. Gusto pa sana namin sulitin ang araw na yun pero may pasok pa ako sa TV network at kinukulit na din siya ng mga sisters niya na umuwi kasi birthday nga ni MIL nun. 


Kahit puyat and powerpuff eyes, nasa cloud 9 akong nagtrabaho nun. Ang cheek bones ko pumuputok sa ligaya mga teh. May boyfriend na ako! Hindi na siya textmate. Hindi na siya parte ng panaginip. Tunay at nahahawakan. Sa isip-isip ko, katapusan na ng tagtuyot. Hello, tagsibol! ♥

4 comments:

  1. ang tamesssssssssssssss *big smile on my face*

    ReplyDelete
  2. Wahahahaha! You never fail to make me laugh Den! Ahahaha! Sundan na yan! (Myla S.)

    ReplyDelete
  3. nakaka tawa naman ito, lakas maka-imagine..kaya lang bitin...

    ReplyDelete