26 March 2013

I'm My Papitoyni's Bebeng

Today marks my 20th year of being father-less. So if you still have a Daddy, Papa, Tatay, Itay, Amang, Pop or Pudrabelle --- make sure to tell him you love him before it's too late. 

This is the letter I wrote for Papa for Father's Day, two years ago --- 
Dear Papa, 
Sabi ng nag-iisa mong apo na babae sa Tatay niya "Happy Far'rs Day!" Ako po gusto ko lang magpasalamat. 
Salamat sa height, kahit pa'no hindi ako matatawag na petite; sa sense of humor na minsan nagagamit ko pag problemado at ayoko pa munang i-solve; sa 8 1/2 yrs mong pagiging cool sherpats sa'kin. Dahil sa'yo, nakilala ko ang Beatles at si Mel Gibson.  
Ang iyong pagkanta ng Maging Sino Ka Man sa stereo natin gamit ang Vicor Records mong cassette tape ay hindi ko makakalimutan, kasi sinasayaw mo pa ko nun. At nung pinakanta mo ko ng Kung Kailangan Mo Ako, sabi mo kaboses ko si Aiza Seguerra. Siguro, kung kasama ka pa namin, baka yang Sarah Geronimo na yan eh sumasali pa din sa mga contest.  
Naalala ko din yung time na ako ang mahilig mong kuhanan ng litrato sa Malabon Zoo. Nikon yung camera mo nun. At ang may ganun lang, yung marunong lang gumamit. Hindi tulad ngayon, lahat halos may DSLR na. Ako na lang wala. Yun nga, singit pa din ng singit mga utol kong hoodlum, nagiging family portrait na lang tuloy. Akala ko pa naman start na yun ng modeling career ko.
 
Tsaka dahil sa'yo Pa, feeling ko talaga prinsesa ko eh. Pinapakain mo ko ng grapes na nakahiga sa kawayan nating sofa nung nakatira pa tayo sa Kamias. Lagi kasi kong tulog pag sasalubungin ang bagong taon. At yung huli kong birthday na kasama ka namin, galing sa Merced Bakeshop yung cake ko nun, tinago niyo pa sa ilalim ng lababo, nakita ko din naman kaagad. Sabi mo pa "Akyat ka na Beng, palit ka ng damit." Pag-akyat ko, may bago akong KULOTS at Cabbage Patch Kid na blouse. Kaya tuloy ang tingin ko sa lalaki habang nagdadalaga ako, ituturing ako ng tulad ng pagturing mo sa'kin nun. Medyo nabigo ako sa iba. At least ngayon Pa, medyo pareho kayo ng napangasawa ko. Kung ikaw eh tall, dark and handsome; siya po tall, dark and AYER! :) 
Ganun pa man, salamat sa'yo at ako ay si Bebeng. Magkikita din po tayo. Pero wag po muna ngayon ha. Dami pang nakalista sa TO-DOs. 
Seriously, I love you Papitoyni. I miss you so much... 
Butter Ball or Mentos? Libre ko!
~Bebeng
Yes, I was trying to sound humorous. But really, I was in tears as I copy-pasted this. Sigh. Honestly, I think I can NEVER move on from losing him at such an early age. You see, I can only have one father and no man can ever replace him.  

1 comment:

  1. the letter sounds bittersweet :( pero your dad seemed like a really fun guy! how sad it is for you to have lost him :(

    ReplyDelete