07 December 2012

When Rhambo Met Bebeng Part 2: RhamBeng

I know some (or a lot) of you have been waiting for this --- the second installment of how I met LB's father. In the first part of When Rhambo Met Bebeng, I highlighted about our HS puppy love shenanigans, including that of a story about Bagfull's owner. But this time, it's all going to be about him & me. Naaaaks. So where was I nga? Okay, let me start this with thanking the people behind Friendster then, who helped built our relationship. As what I have mentioned in my previous post, I GAVE HIM MY MOBILE NUMBER. Ha! I know some ladies here will find that a bit of ka-cheapan. Haydowntkurr. Eh wala naman akong constant textmate nun, sayang ang load allowance from the office. Char. Actually, there really is something about men in uniform. Watchatink?

Or maybe, it was a naudlot love team kaya I grabbed the chance of pursuing it na? Hay naku, whatever it is, I'm happy I did it. So yun, hindi pa naman siya kaagad nagtext. So nawala din sa isip ko na may pinagbigyan ako ng number. Akala ko nun hindi ako type ni Tinyente! So sabi ko na lang sa sarili ko, kiber. Aba after a few days (or weeks ata --- momnesia, sorry naman), may tumatawag! Suplada ko eh, hindi ko sinagot. Pag hindi naka-register ang phone number at walang text prior the call, sorry talaga. Choz. Pero hindi ko nga talaga sinagot. So, nagtext siya: "akala ko ba..." Naku, nakalimutan ko na exact words. Ayun, takang-taka ko who that was. Mga 3-4 messages, nahulaan ko na siya nga yun. Kasi naalala ko na siya lang naman pinagbigyan ko ng number ko lately.

Rhambo became my constant textmate. Umaga, tanghali, hapon, gabi. As in the usual "kumain ka na ba?", as if he can come over to Cubao from Surigao para sabay kami kumain di ba. At ang matinding, "anong ginagawa mo?" Buti na lang hindi naman kami umabot sa sukdulan na magtanong ang isa't-isa ng "wer n u?" 
Uy infer naman sa amin, hindi kami jejemon mag-text. Cheesy lang! Like we used to call ourselves as "insan". Kasi we're both from Oas, Albay. Though hindi pa namin parehong napuntahan the place. Ang sabi lang 'di ba, pag magka-probinsiya at pareho ng pinanggalingan na lugar eh mag-pinsan na. Kaya ayun. Tapos nagtawagan na din kami ng toy soldier at ballerina. Lekat na yan! Kumi-Kim Chiu na ba sa kasweetan? Haha! I knoooooow. Eh bagets-bagets pa naman ako nun, yaan niyo na.

Yun lang, minor hump on the road. May isang maling text akong napadala sa kanya. Something like I want to get serious about us na. The usual pagkakamali ng girls, di ba? Assuming kasi ako that time. Eh ang mokong, hindi pa handa. May mga "let's cross the bridge when we get there" pa siyang kuda. Nakuuuu, walang sinabi sa akin si Dora na may dadaanang bridge noh! So after that text-versation, we were both silent. If my memory serves me right, nagkaron ako ng boylet na seaman. Nireto ng sister ko. Ayun, feeling happy ako na nireto ko si Rhambo sa isa kong friend! Yezzz, ang bongga ko di ba? Namimigay ng lalaki. Ako na. Pero hindi maganda ang outcome namin ni seaman. Tse! At hindi rin naging swabe si friend at Rhambo. Which led us to become textmates again. This time, feeling ko na-miss niya ako. Na-miss ko din siya ng sobra. Dinaan ko pati sa aking mga manunulat moves kaya siguro napapangiti ko siya sa mga text messages ko sa kanya. Just imagine his typical life in the poorest place in Surigao del Sur na ako lang ang sort of entertainment niya aside sa paglilinis ng baril at pelikulang tagalog sa PBO, kaya no wonder he fell for me. Hehe. No choice ata.

Ako, bilang badass TV network employee. Siya, bilang agresibo at pang-ararong tinyente sa Mindanao.
I don't know why and how, but the whole universe conspired with us. Parang there were rose petals sa nilalakaran ko everytime magka-text kami. Yug parang may wind effect pa na humahampas sa buhok ko. Ganun. Sheesh, lakas maka-FLAMES episode nito. Ayun na nga, one fateful October 26, 2006, I was super galit and I texted him in all capital letters. Kasi tinulugan niya ako! Eh ang usapan, tatawagan ko siya kasi kakukuha ko lang ng load allowance ko. Hehe. Eh 1am na din kasi natatapos ang work ko nun bilang Channel Assistant sa TFC. Around 2am-ish na ako nakakauwi sa aking studio-type apartment sa Cubao. Dinakdakan ko siya sa text paired with millions of missed calls. Sabi ko ayoko na. Ang ganda ko teh no? Aba, aba ang young dashing lieutenant, nataranta ata. Mega call siya at imbes na maborkot sa pagsusungit ko, eh natatawa-tawa pa ang boses. Kinikilig kasi nagsusungit ako?! Oo daw. Haneeeeep. Eh shempre bet na bet ko na siya nun, kaya nalusaw ako sa kakiligan at tawa niya. Juice ko, 'pag marunong ng magbasa si LB, banned siya sa post na 'to. She might squirm in disgust. Ang mushy lang ng mga magulang niya. Hihi. So what happened that madaling-araw? What used to be an "I heart you" has become something else. We almost said I love you to each other --- or we actually did --- not just almost! (please insert as many hearts as you can)

It was one of those days na, shucks, pwede ko bang hatakin ang Surigao papalapit ng Cubao, please? Pero tiis-tiis nga. Ginusto mo yang long-distance kiyemeloo na yan, Bebeng eh. No, hindi pa kami official na kami. Pero ang lolo mo, naglagay na ng testimonial sa Friendster na "ang ganda ng girlfriend ko, walang kokontra!" Binabakuran na ako sa cyber world. So may mga nagigitla sa aming mga malalandi at semi-kilig na harutan sa Friendster.

26 November 2006
Eto talaga, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang peg. Pramis. Mga 7am ng November 26, 2006, may kumakatok sa pinto. Akala ko yung naniningil ng bayad sa renta. Gusto kong dedmahin pero biglang nagsabi ng "LBC". Binuksan ko na may panlalata. May hawak si manong LBC na mahabang karton, alam kong si Rhambo ang may padala. May nabanggit siya na may ipapadala siya pero di ko alam kung ano. Akala ko pa tuloy M-16 na toy. Hehe. Malabo kasi mata ko, wala akong suot na salamin. Nung malapitan at mahawakan ko na, nagulat ako --- isang dosenang pulang rosas! Sheeeeeeeeeeeet. Sorry, tinatry kong hindi magsabi ng bad word, pero di ba, hello! Babae akong tunay. Binibigyan ako ng bulaklak, mga mudjay. At pulang rosas pa. MMK episode na talaga ito, Valentines special. Totoo pala yun na aamoy-amuyin mo ang flowers kahit alam mong hindi siya mabango. Kasi kasama yun sa eksena 'pag nakatanggap ka ng bulaklak. Next nun, pupungay na ang mata mo. Hahahahahaha! Kaloka.


Hindi na ako nakatulog ulit kahit 2 oras pa lang tulog ko nun. Nag-usap na lang kami sa phone. Walang tigil na humahayskul na mushy-han. Daig pa namin ang JL-Bea, Kimerald, Ashrald, Kathniel, Romnick-Sheryl, Sharon-Gabby, Vi-Bot, at Guy & Pip. Kaming-kami na nun. Pak na pak yung eksena ng bulaklak eh. Hindi man kami nagkasama ng pasko ng 2006, alam namin na may nakahandang supreeeesa ang 2007 sa aming dalawa --- ang RhamBeng. ♥

Itutuloy...

7 comments:

  1. hindi ko kinaya ang pic na may ng loveteams! haha. kahit na failed marriage ako.. masaya ako sa mga may love stories at happy ending gaya nito. hihi. so part 3 pa ba ang 2007? :p

    ReplyDelete
  2. Hansweet! At A for eyfort ka Mother sa research ng photos ng mga love teams. ^_^

    ReplyDelete
  3. Hahaha! Nag enjoy ako sa love story na beking beki ang pagkakasulat! Annnnggg cccuuuttteee! Mga oragon din pala kayo? HiHi :)

    Stay in love. I'll wait for the itutuloy version :)

    ReplyDelete
  4. Hahahaha! You made my day! :) naalala ko tuloy txtdays namin ni ex-bf.:) natural siguro sa babae irecall ng irecall ang love story every anniversary?

    Good morning! :)
    -jenny soliman

    ReplyDelete
  5. Hello muthers, nakow ang jowaness may pagrereklamo! Kaya mamadaliin ko ang Part 3. Hahaha! :)

    ReplyDelete
  6. kakawala ng inip...sarap magbasa ng love story na nakaka-kilig, kakatuwa, kakasabik ng kasunod na kwento... <3 ;)

    ReplyDelete
  7. Ang saya dinaig ang Precious Hearts Romance pocketbook. :D

    ReplyDelete