20 November 2012

Bebeng's Bet na Balur

Aside from giveaways, reviews and press releases, I also blog about how my usual life goes. And what? What am I up to? Sensha na mudraks ha, medyo serious mode ang peg ng blog ko lately bilang ang mga pending ay inaagiw na sa drafts. But yes, I will make a short kwento before bumorlog with this snoring froglet. Pramis, short lang 'to. Eto nga, R & I decided that it's time to build our own kingdom. No, hindi kami kumuha thru Pag-Ibig at lalong hindi kami nanalo sa Lotto (dahil hindi kami tumataya) para makabili ng bahay agad-agad. Magrerenta kami ng aming humble balur. Bubukod kami for the 3rd time! 

Perpol House with Mister Suave. Mwah! ♥ 
You heard it right. We first lived with my mudra nung ako'y hindi pa Mrs. Rayala. Then siyempre, nanaig ang pagmamahal sa isa't-isa kaya bumukod kami at tumira sa aming old-school apartment sa Marikina!

Pininturahan namin ng perpol at black ito. Dahil hindi kahusayan sa kulay ang aking irog, ang dark ng napili niya. Ayun, ang ending, EMO yung bahay namin. Pinanindigan din namin ang peg ng balur. Dun kami unang nag-away ng bonggang-bongga! As in very Kaya ni Mister Kaya ni Misis ang eksena, haha. Then dumating ang Ondoy kaya nilisan na namin ito para makitira sa parental house nila where MIL lives.


Litol Bebeng in the Green Room of the Perpol House.
Adjust-adjust na naman. Minsang dumaan ang masamang hangin sa bahay ni MIL at ang napagkasunduan ng house of majority - fly away! Ayun at napadpad kami ni Sophia sa Santolan, Pasig. Doon tumira kami sa masikip at one-bedroom apartment na malaki pa ang walk-in closet ni Gretchen Barretto. Maingay ang mga kapitbahay. Mas pinapahalagahan nila ang makabili ng speaker ng radyo mula sa Quiapo kesa ang baguhin ang menu nila for a week. Juice ko day, naglaba ko one time, amoy daing! At nagulat ako paglabas ko, nawawala ang peyborit kong tsinelas. Grrness talaga. Kaya, back to MIL's house. Hanga na ba kayo sa humility ko? Hindi no! Kakapalan ng mukha ang tawag dun! LOL.

Sophia in the Shoebox. 
1 year and 7 months ng pagtira dito, maraming masayang alaala. Lalo na ang harutan namin ni R sa bawat sulok ng bahay na ito. Hihi. Kung tutuusin, sayang din ang pinagpagawa ko ng kwarto namin dito. Mami-miss ko ang accent wall with black shelves. Mamimiss ko ang pin lights na kala mo nasa mall kami sa dami. But some good things never last, ika nga nila. Lumalaki na din si Sophia, we don't want her to grow up na ang estado lang namin ay "nakikitira". And like what my mama said, "you can never have two queens inside a castle". Pak. Mantakin mo yun, may sense ang nanay ko! Labyu, Ma. (I'm sure hindi niya binabasa 'to kasi busy siyang mag-Tetris)


So now that we're house-hunting, there are things to consider because we don't want to go back to the cycle. Since we have a preschooler, LOCATION. Another for location is kung binabaha ba or hindi. Waah! I saw one pa naman na kanina and okay na sa akin kaso someone told me bumabaha dun. Back to zero. Then, PRICE. We are a single-income family so given na yung isipin ang presyo. Ano, mag-rent ako ng tig-10K tapos nilalakad ko araw-araw papuntang supermarket? Kaloka. And then of course, NEIGHBORHOOD. Pakikisamahan mo sila every day kaya dapat yung keri ng powers ko na makipag-ngitian. May isa kaming nakita sa may Marikina. I saw it on sulit.com.ph, aba maganda ang balur! 2 bedrooms, affordable pa. Check na check sa akin ito. Nung pinuntahan na namin, ay naku teh, iskuala lumpur Malaysia ang road to happiness. Back out! Manong driver, paliparin ang tricycle! 

Pero alam niyo ba, kahit hirap ako sa paghanap ng magiging tirahan namin, happy pa din ako kasi supportive si R. As in ramdam ko yung excitement niya na bubukod na kami. Alam kong nase-sense niya din sa akin na "it's the final countdown!" He even told me to leave some things for him to do. Wow, lalaki! Machong karpintero ang emote. Ang bagets naman, alam niya din na aalis na kami. "I want a pink house, Nanay!" Sa loob-loob ko, ano tayo 'nak, si Barbie? Pero wag ka, may pinuntahan kami last Saturday, pink ang pintura ng bahay! Pero pinagiisipan ko pa kung go na din dun. Bawal daw maingay eh. So, ekis na ako sa kanila 'pag bumanat na ako ng "Sophiaaaaaaaa, wear your slippers!" With matching intonation yan. Pang-teatro. Mawiwindang ang plywood na kisame nila for sure.

Sana bago matapos ang buwan na ito eh nakapangalap na ako ng karton, packing tape at pentel pen. Eto talaga, master packer na talaga ako pagdating sa lipatan. Marami na din natirahan ang pamilya ko nung bata ako. Kaya this time, I don't want to go wrong. I want to make sure na bet din ni R ang balur.

5 comments:

  1. Pinag-iisipan ko na rin bumukod. Kaso ang magaling kong asawa ayaw magrent, gusto bili! Parang ang dami lang pera. Haha! For investment daw kasi. Kaya ito kami, stuck pa rin sa house ng parents ko.

    Curious ako kung paano ang monthly budget mo. Kasi parang kukulangin kami kapag bumukod kami- o mali lang ako magbudget kaya di ko mapagkasya. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din dati husband ko, Kim. Eh at least kayo, sa parents mo. Kasi kami sa MIL ko ... soooo ayun na nga. Hihi. With the budget, I think you can do it din naman, less dine out lang talaga. Tsaka kasama mo kasi madalas si Daddy A. Magastos talaga 'pag kumpleto pamilya. Magastos din kami 'pag magkakasama. Pero 'pag kami lang ni LB, we can survive. :)

      Delete
  2. Ngayon lang ako magcocomment! Hehe. Lurker mode kasi :P Minsan di ko gets ang gay lingo mababa pa knowledge ko dun (natututo ako dito btw). Gusto ko rin ng sariling bahay in the future. And from here, ang hirap pala humanap lalo na't asa pa kami sa magulang tas 2 kids na. Baka singkwenta na ko bago pa kami magkaron ng sariling bahay (wag naman!). :))

    ReplyDelete