Nakaantabay si Tatay sa kung anong hihingin na tulong ni Frank |
Part two of our provincial tour is almost over, but things hadn't changed --- the Bebengs are still in front of the pc. We were done with kite-flying and we went to a nearby beach yesterday. There's nothing to do anymore. So eto, nganga sa laptop with anything we can make kalkal. Ako, busy with my "social" life. Si LB, sa kung anong laro meron ang laptop ng pudra niya. Ayun, she found Plants vs. Zombies and she played it. Ayun at humingi ng tulong ni Super Rhambo, kasi hindi na niya alam gagawin. They were doing okay as a father & daughter in PVZ-training until I heard my theatrical character actress of a daughter said:
"Akin na, you're bully!"
Kagitla-gitlang pangyayari. Inaagaw niya pala ang mouse sa ama niya. Kaloka. Maya-maya muli, nagpatulong siya. At mukhang ayaw na niya ng tulong kaya ang huli kong narinig ay:
"Ouch, you're hurting me!"
Inaagaw na naman pala niya ang mouse kasi kumokontra sa paggamit niya ng touch pad. Umeeksaherada lang para makakuha ng atensiyon. Jusme.
~ ♥ ~
Just before we went to go on with our provincial tour, tumambay muna kami ng bongga. Sa Camp Aguinaldo pagkatapos mamili sa AFPCES, sa RCP (Rear Command Post) ng 8ID sa HPA at sa NAIA Terminal 1 (may sinundo lang, hindi kami nag-eroplano papuntang Nueva Ecija). So eto nga, when we were in the RCP of 8ID, tumira na naman si Sophia aka Frank. Siyempre, hindi nga "masyado" suportado ng gobyerno natin ang mga mahahalagang bagay at tao ng bansa, kasi mas pagtutuunan nila ng pansin ang CyberCrime Prevention Act (oops); kaya obvious lang na hindi mala-reception ng hotel ang karamihan ng opisina ng ating magigiting na sundalo. Habang nagpapalipas kami ng oras sa harapan ng aking laptop, may naamoy kaming hindi kanais-nais. Lumakas kasi ang hangin at tila pinaramdam sa amin ang tunay na amoy ng kalaban. Hehe. Sophia, without hesitation, said:
"Yuck, dirty!"
And I asked which was she pertaining as dirty, ayun at tinuro ang kabuuan ng opisina. Shet. Gusto kong lumubog sa inuupuan ko. o_o
hahaha! nakakaloka ang bagets. Super mega honest talaga ang mga bagets eh no, no holds bar sa kanilang mga opinyon! Inosensya galore!
ReplyDeleteSpanish Pinay
naku baga sila ng anak ko.. may "konting" kamalditahan! hahaha. enjoy with your vacation Mommy Denise :D
ReplyDelete