22 August 2013

Huwag Ka Lang Mawawala Finale

I don't know if I have a reader who's "alta" or who doesn't like Pinoy teleseryes, but allow me to be showbiz muna ha. After all, faney talaga ako ng teleseryes - one of my many guilty pleasures in life. Kebs. Well, I have said before that I used to work in ABS-CBN for two years. And sa loob ng two years na yun, 8 hours akong nanonood ng TV. Saya noh? Saya din ng sweldo, pambili ng kendi ni Jeane Napoles. Hehe. Karamihan ng favorite serye ko aside from where Thalia starred in ay gawa ng ABS-CBN. At isa sa mga yun ay itong pagbabalik ng kalokalike ng bestfriend kong si C, ang Wit Ka Lang Mawawaley. ;)

source
It's a story of Anessa, a mag-aasin from the province who fell in love with Eros, a bulol rich guy from the filthy wealthy Diomedes family. The Diomedes family has shipping lines as their physical business pero in reality eh diamond smuggler sila. Here's a more elaborate background story if you are interested: click here. So eto na nga, earlier eh knows na ni Eros ang pagka-beki ng pudrabelles niyang si Romulus, played by Tirso Cruz III, who I think portrayed the role very well. Tomorrow na ang ending mga teh! 

So I just want to share my isms on this teleserye before it ends (feel free to make chika your own observations if you are an avid viewer like me) ---

  • Kung imitation man ang naging poster nito eh at least bumenta at slightly tasteful. Kesa naman gumaya na nga, fail pa din.
  • Mabilis daw ang takbo ng istorya sabi ng mga hardcore fans ng Juday. Nalulungkot daw sila na matatapos na agad. Sa akin, sakto lang. Kasi kung papahabain pa ito, eh sabog-sabog na fez ni Anessa at Alexis mula sa mapanakit na kamao ng salbaheng si Eros. Tsaka nalulungkot ako for Nancy (played by Matet) kung magtatagal pa ito. Nagkaanak na si Anessa at lahat, parang wala pa din siyang steady na character. Dakilang sidekick hanggang matapos. 
  • Pinakita ng serye na ito na ang batang binugbog ng magulang ay maaari ding mambugbog ng magiging anak niya. Buti naitama ni Eros yun pero ginawa naman niyang punching bag ang jowa niyang si Anessa. Fail pa din. Sumatotal, no to physical abuse talaga. Sana na-gets yan ng mga masang pamilyang Pilipino. May kapitbahay kami, 1 1/2 pa lang yung bagets, grabe kung paluin ng mudra niya. 
  • Alexis is insecure because she never felt she was loved. Her overpowering confidence made the people think thas she's a strong-willed woman and all. What they didn't know was she is such a weakling. Ay Beng, feeling Alexis?! Nakarelate? Haha! Oo muthers, may mga emote-emote ang inday na bet na bet kong makiiyak. Ang sarap makiiyak, feeling ko kasingganda ko na siya. ;)
  • Eros said tonight na mas matatanggap niya pa ang pagiging beki ng fadir niya kesa yung ginawa siyang toy soldier nito mula pagkabata pa lang. Ay oo naman. Tita Swarding has 9 kids ata, Ogie Diaz has three, Arnel Ignacio has one, Piolo Pascual has a teenage boy. Ay teka, sabi pala ni Piolo hindi siya bading ano? Sorry, sorry. Erase.
  • It's a big teleserye talaga kasi ang La Greta eh tegi na wala pang ending. Tsaka hindi siya pinakilos masyado para hindi magalaw yung botox mukha niya.
  • Ang ganda ni Mylene Dizon as Athena. Kahit maldita at baliwag din siya tulad ni Alexis eh ang kinis, ang toned ng body, ang shiny ng hair. Ever since talaga bet tamayo ko yan si muther Mylene. 
  • Masaya ako na kahit may Iris at Leandros eh walang jejemon factor. Si Victor (Bryan Termulo) ang medyo nagbigay ng effect na yun. Hihi.
  • Hay, Helena. Si Helena, played by Coney Reyes, na gusto kong kaltukan sa pagkashonga. Pero infer ha, may kirot ang mga pagdonate niya ng diamonds sa church para lang "makabawi". Pero maski na, ano bang meron ang Romulus para pagtakpan niya ever? May diamonds ba ang dulo ng kyeme niya? #kumicristyferminnaakoawatna
  • Medyo sexist ang palabas. Aminin niyo, pinapakita na hero ang mga babaeng characters. Kung hindi dahil kay Helena, hindi maayos na lalaki si Romulus sa harap ng ibang tao. Kung hindi dahil kay Alexis eh hind tumino kahit sandali ang Eros. Kung hindi dahil kay Iris, hindi makukuha ni Anessa ang junakis niyang si JR/Emman. At kung hindi dahil kay Anessa, walang show. Pak.

source
It's going to be a real sad finale for the not-so-popular artists like Susan Africa and Matet. Waley na silang projects. Especially the extras na mas matagal pa ang pinaghintay kesa ang pag-appear sa TV, na minsan pa nga eh kilay lang ang pasok sa frame. Naaalala ko ang mga yan nung empleyado pa ako ng mga Lopezes. Pag-alis ko ng 1am sa office at pagbalik ko ng 4pm para pumasok ulit, andun pa din sila. Sa ngalan ng Php500 at meal stub. Anyway, spoiler lang ha. Feeling ko ang babarilin ni Alexis sa rooftop eh si Eros. Hahaha! Uy, manonood na yan bukas kahit hindi nasimulan. Hula ko lang, pero according to my Madam Auring powers, tama ang kutob ko. Kung maging true man iyon, isa lang ibig sabihin niyan --- maka-Nanay ang writer at direktor ng show. Isasakripisyo ng Alexis ang pagkahumaling niya sa pande-pandesal na si Eros dahil mahal niya ang anak niyang si Peter. Isang malaking pagpupugay sa mga babae at ina ang HKLM. Clap, clap. 

Watchatink?

9 comments:

  1. Madam, sabi ko boborlogs na ko...pero nakita ko yung post mo sa aking feed at sabi ko talaga, kailangan kong magcomment ditey - hindi puedeng itulog ang feelings! :D

    * Nung una din inisip ko bitin - mega-fast paced ultra bilis. I heard nagka-issues daw with it dahil may gustong ipasok na bagong teleserye. Pero tama ka, nung hindi nila hinabaan, mas naging exciting. Mas naging worth-looking forward to.

    * Alexis, Alexis. Ang honorary member dapat ng Trece Martires (chos). :D Hindi ko talaga bet si KC Concepcion, pero bet ko yung character ni Alexis na 100% loka-loka sa pag-ibig kay Eros. Feeling ko din si Eros ang babarilin nya, kasi she has moments na parang 'nalulungkot/nagugulat/naloloka' sya sa mga kasamaang nangyayari sa paligid nya, lalo na kay Eros. And may eksena sila na gogora na sya at iiwan si Eros. So feeling ko clue na yun ng 'change of heart' ni atey.

    * La Greta - ANG DAYAAAA! Hindi nabugbog! Iba siguro at mas mahal ang talent fee pag may contact ang kamao sa face. Baka insured din ang fez ni madame. :D

    * Grabe si Tirso in the beki outfit! Ang galing nya talaga umarte I swear. Very subtle, pero very powerful pa din yung aura nya bilang loka-lokang beki. Not many actors can do that. Clap clap talaga. Saka mas seksi sya kaysa kay Alexis dun sa outfit nyang navy blue gown with matching wig na may side bangs. Panalurrr.

    * Coney Reyes' character was so nakakainis in her kashungahan, pero ramdam mo na she's really doing it for love of her family talaga.

    * Agree with Matet's character. Mushroom lang. Silip-silip pag kailangan yung dialogue nya. Other than that, waley na. :( Sayang puede pa mabuild-up yung character nya.

    Sinundan ko din this serye actually. Hehe. :D Yung parang circle blingbling na Ate Juday na may cross sa ibabaw na lagi nya suot sa blouse nya, may special meaning ba yon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. And the best commenter award goes to Tin G!!! ;)

      Korek ka sa lahat ng sinabi mo muther. Sana nga pinatay na lang yung character ni Nancy para may morbid stuff talaga. Tutal hindi naman ganun kaimportante ang role ni ateng. Eh kung tinegi siya dun at least naging bonggelz ang role niya. Iniyakan siya. Hehe.

      The necklace?! Ang galing naansin mo yun! Tinignan ko tuloy. Female symbol yun. If titignan mo sa previous profile photos ko sa fan page, ginamit ko yun. :) See, feminist ang HKLM.

      Delete
  2. bigyan si john estrada ng teleserye that would last for more than 3 months! hehe. hindi kaya siya ang show-killer? yung a beautiful affair din halos 3 months lang. lols. pero really, i like how huwag ka lang mawawala is paced. kebs na ako sa mga chika na ginusto nalang ni juday na tapusin ito kesa ilagay sa huling timeslot. the fact that this is a short teleserye makes it easier for the show to be exported abroad. bebenta rin ang official DVDs nito for sure.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga ano! Hahaha! Siya pati madalas late noon sa Tanging Inga TV series nung OJT pa ako. Nag-aaway sila ng bonggelz ng EP. Hehe.

      Delete
  3. Hi Bebeng, naaliw ako "pagbabalik ng kalokalike ng bestfriend kong si C". Flashback ang highschool days.

    Anyway here are my thoughts about the show (hahaha nakiki-comment talaga):

    * though short lived, it has stand by its goal which was to showcase women empowerment or submission kagaya na lang sa character ni mother Helena at first pero wag ka akala natin she was not thinking and blind by her love to Romulus, akalain mong naisip niyang iligtas si Anessa, she took the risk and for me hindi siya pure weakling.
    * Alexis, harsh ang buhay, anak siya ng isang kabit, being a kabit haunts her, double standard ang society para sa mga illegitimate children like her especially ang asawa ng kanyang papey but we can't blame her, iba-iba lang talaga ang pagtanggap. I wonder kung maayos ang relationship niya with the wife of his dad or even his dad per se, she would not have been so obsessed with her abused and later on abusive childhood friend Eros.
    * Iris, realized life was not a fairy tale. Masakit na katotohanan for a sheltered lass like her.
    * Leandros, Nancy and Nanay, support system ni Anessa at inspirasyon para bumangon, siyempre aside from her child Emman/JR
    * Eros, sick and would be best na marehab kung di siya papatayin ni Alexis, sayang kasi ang natitirang katinuan at pagmamahal niya sa mga anakis niya.
    * Atty Eva Custodio, short-lived character na inihalo sa istorya to proved that Romulus was really a bad guy, nung ipinadala niya ang CD sa AirExpress alam kong malapit na siyang mamatay. hehehe
    * Anessa, empowered woman na siya, and her brooch is Venus hehe female symbol nga. Mga last week niya pa ata suot yun when she got Emman/JR :)
    * Nawindang lang ako when Editha Burgos and Risa Hontiveros' clip stating support sa show was included na, kailangan talaga may ganun pa. Hehehe
    O siya antabayan natin ang mga mangyayari mamaya :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi di ba Risa Hontiveros was a battered wife daw dati kaya siguro mega support. Pero infer maganda ang tema ng serye. Mas makatotohanan at nakasentro pa din sa family compared sa ehem --- ayokong magtunog FANTARD! ;)

      Delete
    2. I didn't know she was a battered wife. hehe anyway agree makatotohanan naman ang serye.ayun lang tapos na siya. happy to see your latest photos as a family. nakaka-overwhelm talaga pag-complete ang family.

      Delete
  4. nakakabitin talaga ang show.. pero un nga accdg sa paborito kong chismis blog ni FP. e dahil daw ndi nagre-rate at common na daw ang story unlike dun sa kabilang istasyon saka si alexis daw ang malas kaya ndi nagtagal ang show. hehehe. anyway, talagang mamimiss ko un show mas gusto ko ang story kahit ano pang sabihin nila.. juday is juday. d bale kapalit naman e sila kathniel hahaha. :) panoorin na ang pagtatapos later. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Commenters lang naman nagsasabi sa FP na flop eh. Ganito ang semi-concrete chismis: ABS wanted to move on a later time slot ang HKLM because of KathNiel. Eh sigro ayaw ng Juday ng ganun kaya sabi niya wag ng pahabain, tapusin na lang kesa sila ang mag-adjust para sa mga bagets. Tama naman siya. Mas maganda nga na ganun lang kaigsi. Ang winner kaya ng ending! :)

      Delete